NBI, tiniyak na hindi madaling i-hack ang Automated Election System na gagamitin sa halalan

by Erika Endraca | April 30, 2019 (Tuesday) | 3999


Manila Philippines – Tiniyak ng National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division na hindi madaling i-hack ang Automated Eection system (AES) na gagamitin sa darating na halalan sa May 13.

Paliwanag ng hepe ng NBI Cybercrime Division na si Vic Lorenzo, digitally encrypted ang impormasyon ng aes kaya hindi ito basta-basta maa-access ng iba.

“So far, ang tingin ko naman. It is very safe system, considering na wala talagang actual incident na naimbestigahan ng nbi involving hacking or breach doon sa election system. ” ani NBI Cybercrime Division na si Vic Lorenzo.

Gayunman, posible pa ring magkaroon ng insidente ng hacking . Gaya ng pag-disrupt ng vote counting machines. Kaya naka-standby ang ahensya sa maaaring mangyari sa eleksyon. May mga naka-deploy din silang tauhan sakaling mangyari ang insidente sa mga rehiyon. 

“Mahit na hindi deputized ang nbi ng comelec, we are mandated to implement the law kapag may hacking incidents, because it’s a criminal offense. It’s a violation of the cybercrime prevention act of 2012. Kapag may hacking talaga, we will respond and we will investigate.” ayon kay NBI Cybercrime Division na si Vic Lorenzo .

Pero sa ngayon, wala pa silang nahahawakang kaso ng hacking incidents na konektado sa aes. Ayon naman sa Commission on Elections (COMELEC), hindi konektado sa kahit anong network ang AES sa mismong araw ng eleksyon na magsisimula mula alas sais ng umaga hanggang ala sais ng gabi.

Agad rin aniyang malalaman ng mga otoridad sakaling may magtangkang mandaya sa sistema.

“The only time it is connected to the network is when it transmits the election results, ‘yung transmission na ‘yan is a very, very quick process.  The data pocket being transmitted is encrypted. It’s encrypted with an encryption strength that is basically at par with online financial transactions which means it’s safe as money. “ ani Comelec Spokesperson, James Jimenez.

Sa kabila ng pagtitiyak ng local source code reviewers sa seguridad ng aes, patuloy pa ring babantayan ng comelec ang integridad ng aes.

Ayon pa kay Jimenez, kung ikukumpara sa mga nagdaang eleksyon, kakaunti lamang ang magiging partisipasyon ng technology provider na smartmatic international sa parating na halalan dahil ang tanging gagawin nila ay magbigay ng technical support.

(April Cenedoza | Untv News)

Tags: , ,