NBI nagbabala sa publiko na maaaring maharap sa kasong kriminal ang mapapatunayang nagdownload o nag-upload ng nakaw na COMELEC data

by Radyo La Verdad | April 25, 2016 (Monday) | 1975

NBI
Nagbabala ang National Bureau of Investigation o NBI sa publiko na maaring maharap sa kasong kriminal ang sinomang mapapatunayang nag-da-download o nag-uupload ng voters’ data na nakuha mula sa website ng Commission on Elections o COMELEC nang ma-hack ang website nito.

Ipinag-utos na ng NBI sa Cybercrime Division nito na tukuyin ang mga kumuha ng kopya ng mga nakaw na voters’ data.

Kasabay nito ay tiniyak ng NBI na naalis na nila ang website kung saan na-leak ang mga maselan at personal na impormasyon ng mga botante.

(UNTV RADIO)

Tags: