Isang community dialogue ang isinagawa kahapon sa City of Naga, Cebu City Hall para sa mga residenteng naapektuhan ng landslide sa lungsod noong ika-20 ng Setyembre, kung saan aabot sa mahigit pitumpung indibidwal ang nasawi.
Ito ay upang maipaalam sa mga residente ang ilan sa mga nakitang sanhi kung bakit nangyari ang insidente.
Sa resultang inilabas ng Mines and Geosciences Bureau, mula sa isinagawang ground penetrating radar at georesistivity survey ang nangyaring lindol sa probinsya ng Bohol noong 2013 ang posibleng nagdulot sa insidente.
Bukod dito, maaari ring urbanization at industrialization ang ilan pang dahilan ng landslide.
Mayroong nakitang tatlong zones ang MGB sa lungsod. Ito ay ang danger zone, no permanent habitation zone at restricted zone.
Karamihan sa bahagi ng lungsod ay nasa danger zone na nangangahulugang landslide prone at hindi ligtas tirahan.
Ngayong Huwebes ay inaasahang unang isusumite ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa lokal ng pamahalaan ang listahan sa mga ligtas na lugar sa lungsod. Ito ay upang malaman na kung sinu-sino ang makakabalik pa at hindi na sa kanilang tahanan.
Sa kasalukuyan ay may inihanda ng relokasyon at cash assistance ang lungsod para sa mahigit apat naraang pamilya na maaaring hindi na makabalik sa kanila dahil sa peligrong maaaring maidulot ng landslide.
( Gladys Toabi / UNTV Correspondent )
Tags: Cebu, landslide, Natural phenomen
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com