Natural disasters, nagiwan ng nasa 700 libong patay sa Asia Pacific Region sa nakalipas na 10 taon

by Radyo La Verdad | November 2, 2015 (Monday) | 1139

REY_APEC
Inumpisahan na ngayong araw ang Asia Pacific Economic Cooperation o APEC climate symposium sa Ortigas center na pinangunahan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration at Department of Science and Technology.

Naglalayon ito na mas mapahusay pa ang pagkalap ng climate information na magagamit sa Disaster Risk Reduction o upang maiwasan ang malawakang pinsala kapag may dumarating na kalamidad.

Ang Asia Pacific ay ikinukonsidera na most disaster -prone region sa mundo kung saan nasa 700 libo ang naitalang patay sa nakalipas na 10 taon dahil na natural disaster na may 1.5b katao ang naapektuhan at mahigit sa $560B ang pinsala sa ekonomiya.

Ayon sa DOST, sa pamamagitan ng mga impormasyon sa mga nakalipas na kalamidad ay makapaglalatag ng mas maayos na pamamaraan upang mapaghandaan ang posibleng disaster na kakaharapin ng rehiyon lalo na ang Pilipinas.

Ilang araw bago tumama o makapinsala sa bansa ang isang bagyo ay nakikita na ito ng mga instrumento ng PAGASA kaya’t maagang nabibigyan ng babala ang mga maaapektuhang residente.

Patuloy ang investment ng pamahalaan sa mga instrumento ng PAGASA na magagamit sa pagtaya ng panahon.

Sa susunod na taon ay aabot na sa 15 doppler radar ang nakaposisyon sa iba’t-ibang lugar sa bansa.

May limang sesyon ang climate symposium na matatapos sa Nov 4.(Rey Pelayo/UNTV Correspondent)

Tags: ,