Natitirang panahon para magparehisro ng SIM, 30 araw na lang

by Radyo La Verdad | March 27, 2023 (Monday) | 3103

METRO MANILA – Mayroon pang 30 araw o 1 buwan na lang ang mga sim user para ipa-rehistro ang kanilang sim bago ang deadline sa April 26.

Sa kabila nito, mababa pa rin ang bilang ng mga nairerehistrong sim ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT).

Ayon sa kagawaran, mula ito sa 170 million active sim cards sa buong bansa, nasa 45 million pa lang o 27.12% ang nairerehistro.

Panawagan ng DICT sa mga sim user, i-register na ang mga sim cards bago pa ito ma-deactivate.

Para makapag-parehistro, bisitahin ang mga website depende sa network ng inyong sim.

Tags: ,