Natitirang miyembro ng Maute ISIS, nasa isang gusali na lang

by Radyo La Verdad | October 23, 2017 (Monday) | 2561

Sa taya ng militar kahapon, nasa 30 na lang ang natitirang kalaban ng tropa ng pamahalaan sa Marawi City.

Kabilang dito ang 5 foreign terrorists at ang asawa ng mga miyembro ng Maute ISIS na nakikipagbakbakan na rin sa security forces.

Pinaniniwalaang nasa isang gusali na lamang malapit sa Lake Lanao nagtatago ang mga ito. Naniniwala ang militar na wala nang hawak na bihag ang mga terorista.

Ayon kay Task Group Lanao Deputy Commander Colonel Romeo Brawner, target nilang tapusin na ang krisis hanggang hating gabi, subalit binibigyan pa rin ng pagkakataon ang mga ito na sumuko.

Patuloy naman ang pagbabawas ng pwersa ng militar sa Marawi. Nitong Sabado, isang batalyon ng marines ang umalis na sa lungsod.

Kahapon dalawang army unit din ang umalis sa lungsod. Inaasahang sa mga susunod na araw ay lilisanin na rin ng iba pang military at police units ang Marawi City ngayong patapos na ang limang buwang armed conflict rito.

 

( Victor Cosare / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,