Susuriin ng pamahalaan ang kalidad ng mga lupa sa bansa.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang SONA, isasagawa ang national soil analysis upang maging akma ang mga binhi sa klase ng lupa napagtataniman ng mga ito.
Isasaayos din ang mga kalsadang patungo sa mga palayan at magtatayo ng mga modernong kagamitan para sa panahon ng anihan.
Mahigpit ding ipatutupad ang mga batas laban sa illegal fishing at maglulunsad ng mga programa upang makapag-alaga ng isda sa mga backyard o bakuran.
Titiyakin din na dadaan sa tamang proseso at government standards sa pagmimina upang maiwasan na ang pagkasira ng kalikasan.
Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, pinag-aaralan na ang pag-obliga na magkaroon ng legislative franchise sa mga mining operation.
Kamakailan lang ay ipinag-utos ng Pangulo ang pag-audit sa lahat ng mining operation sa bansa.
Ang ilan sa minahan ay ipinasara na matapos na makitahan ng mga paglabag sa regulasyon.
(Rey Pelayo/UNTV Radio)
Tags: national soil analysis