Nationwide smoking ban, isinusulong ng health advocates

by Radyo La Verdad | August 29, 2016 (Monday) | 2163

MON_SMOKING-BAN
Nasa sampung Pilipino ang namamatay kada araw dahil sa sakit na dulot ng paninigarilyo batay sa datos ng The Tobacco Atlas.

Lumalabas din sa pagsusuri na dalawa sa bawat trese hanggang kinse anyos ay exposed na sa second hand smoking na sinasabing mas mapanganib sa kalusugan.

Bunsod nito, labis na ikinabahala ng mga health advocate ang tumataas na bilang ng mga kabataang naninigarilyo, nagkakasakit at namamatay dulot nito.

Kaya naman nanawagan sila kay Pang. Rodrigo Duterte na agad nang ipatupad ang nationwide smoking ban sa mga pampublikong lugar.

Lahat ng mahuhuling lalabag ay titikitan, pagmumultahin ng isang libo hanggang limang libong piso at maaaring makulong ng hanggang apat na buwan.

Ngunit hindi lamang sa Davao City ito ipinagbabawal dahil may umiiral nang batas laban sa paninigarilyo sa mga matataong lugar sa buong bansa.

Batay sa Republic Act 9211 o ang Tobacco Regulation Act of 2003, ang paninigarilyo, pagbebenta sa mga bata at pagtitinda malapit sa mga eskwelahan ay mahigpit na ipinagbabawal.

Subalit naniniwala ang New Vois na walang pangil ang naturang batas dahil kitang kita pa rin na marami ang hindi sumusunod dito.

Positibo naman ang pagtanggap ng ilan sa panawagang ito.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: ,