Nationwide martial law, hindi dapat katakutan sakaling ipatupad ni Pangulong Duterte – PNP Chief Dela Rosa

by Radyo La Verdad | December 19, 2017 (Tuesday) | 13448

Hindi dapat katakutan kung sakaling magdeklara ng nationwide martial law si Pang. Rodrigo Duterte. Ayon kay PNP Chief PDG Ronald Bato Dela Rosa, hindi ito kinatakutan ng mga peace loving people sa Mindanao kaya’t wala ding dapat na ikabahala ang publiko sa buong bansa.

Sinabi pa nito na ang New People’s Army pa rin ang itinuturing nilang malaking banta sa  seguridad ng bansa dahil sa ginagawa ng mga itong pag-atake.

Gayunman, wala pa aniya siyang planong magbigay nang rekomendasyon sa Pangulo lalo na’t hindi naman ito hinihingi. Ano man aniya ang maging desisyon ng commander-in-chief ay buo ang suporta nila.

Sinimulan na rin aniya nila ang assessment sa Visayas at Mindanao upang sakaling hingan sila ng Pangulo ng rekomendasyon ay may basehan ang kaniyang magiging desisyon.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

Tags: , ,