Nationwide jobs fair, isasagawa ng DOLE sa May 1; LRT-2 at MRT-3, may libreng sakay

by Radyo La Verdad | April 29, 2024 (Monday) | 65760

METRO MANILA – Magsasagawa ng malawakang nationwide jobs fair ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa darating na Mayo 1 o araw ng Paggawa.

Nagtakda rin ang kagawaran ng 120 sites o lugar sa bansa na pagdarausan naman ng pamamahagi ng livelihood project kung saan inaasahang na aabot sa P671-M ang nakalaang pondo para sa mga beneficiaries.

Samantala, may handog din na libreng sakay ang DOLE katuwang ang Department of Transportation (DOTr) para sa mga manggagawa.

Magsisimula ang libreng sakay sa LRT-2 at MRT-3 ng alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Para maka-avail ng libreng sakay, ipakita lamang ang inyong company ID o kaya ay anomang government issued ID kung walang company ID at edad 18 pataas.

Tags: ,

Public hearing hinggil sa dagdag-sahod sa NCR, isasagawa ngayong June 20

by Radyo La Verdad | June 20, 2024 (Thursday) | 182222

METRO MANILA – Isasagawa na ngayong araw ng Huwebes June 20 ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang public hearing kaugnay ng ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na repasuhin ang minimum na arawang sahod sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), may nagpetisyon na dagdagan pa ng P750 at P597 ang kasalukuyang minimum wage sa NCR na P610.

Magsasagawa pa ng deliberasyon o tatalakayin ng wage board ang mga mapag-uusapan pagkatapos ng isasagawang pagdinig.

Inaasahan na magkakaroon ng positibong resulta ang review bago ang July 16, 2024 o unang anibersaryo nang itaas sa P610 ang minimum daily wage sa Metro Manila.

Muli namang nilinaw ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na hindi siya makikialam kung ano man ang maging desisyon ng wage board.

Tags: , , ,

DOLE, nagpaalala ukol sa double pay ng mga empleyadong on duty ngayong June 17, Eid’l Adha

by Radyo La Verdad | June 17, 2024 (Monday) | 63891

METRO MANILA – Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) ukol sa mga private employers na entitled sa double pay ang mga empleyado na magta-trabaho ngayong araw ng Lunes, June 17, Eid’l Adha.

Nakasaad sa labor advisory number 8 ng ahensya ang computation sa payment of wages at panuntunan para sa regular holiday.

Pirmado ang nasabing abiso ni Labor and Employment Undersecretary Carmela Torres.

Kung hindi papasok sa trabaho, 100% pa rin ng arawang sweldo ang ibibigay ng employer sa empleyado.

At kung on duty pa rin sa regular holiday, 200% ng daily wage ang ibabayad sa empleyado.

Sa bisa ng Proclamation Number 579, idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang June 17 bilang regular holiday bilang paggunita sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice ng mga muslim.

Tags: ,

LTFRB, sinabing wala nang extension sa provisional authority to operate ng unconsolidated jeeps

by Radyo La Verdad | June 13, 2024 (Thursday) | 144486

METRO MANILA – Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na wala nang extension sa provisional authority to operate ng mga jeep na hindi nakapasok sa franchise consolidation.

Binigyang-diin ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III na hindi na nila nais pag-aralan pa ang nasabing request ng ibang mga driver at operator dahil nakatuon na sila ngayon sa implementasyon ng modernization program.

Sinimulan na ng ahensya ang crackdown sa mga colorum na jeep gamit ang ibang pamamaraan dahil wala pang available na guidelines para sa on the ground apprehension ng unconsolidated jeepneys.

Wala pang approval ng Department of Transportation (DOTr) ang dapat gawin ukol dito.

Kailangan namang magpakita ng papeles ng isang jeep na mahuhuling hindi rehistrado para mapatunayan na sila ay nakapag-consolidate kapag tinubos na nila ito.

Tags: ,

More News