National Task Force on Swine Disease, bubuoin ng pamahalaan

by Erika Endraca | September 11, 2019 (Wednesday) | 5470

MANILA, Philippines – Aprubado na ng Malacañang ang pagbuo ng National Taskforce on Swine Disease ayon kay Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar.

Ito ang magsisilbing tagapagpatupad ng mga panuntunan upang mapigilan ang posibleng pagkalat ng mga sakit ng baboy tulad ng African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Dar, posibleng magdagdag sila ng mga tauhan lalo na sa paglalagay ng mga checkpoint.

“Kung kailangan natin ng mga sundalo to add to the human resources of the PNP, kailangan po natin lahat” ani Agriculture Secretary William Dar.

Sa ngayon ay mas maraming supply ng baboy ang nanggagaling sa bakcyard o ang mga small-time hog raiser.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong July 2019, nasa 12.7 Million heads ang populasyon ng baboy sa bansa kung saan ang 8.02 Million dito ay backyard hogs.

Hihigpitan ng DA maging ang pagiikot ng mga tinatawag na “bulog” o breeder na baboy.

“It’s not a restrictive policy if we have to ask another veterinarian coming from government to come and inspect your breeder stocks bago ita-transport ito” aniAgriculture Secretary William Dar.

Samantala, may mga lokal na pamahalaan naman gaya sa Dinalupihan, Bataan na nagsasagawa ng pagpapaunawa sa mga hog raiser sa mga dapat nilang gawin para maiwasang maapektuhan ng ASF ang kanilang mga alaga.

Ayon sa Bureau of Animal Industry, wala pang bakunang nadidiskubre para lunasan ang ASF kaya’t kailangan na lalong seryosohin ito.

“Kung mabilis ang proseso maaaring sa loob ng 3-5 araw mamamatay yung baboy” ani kBureau of Animal Industry Director, Dr. Ronnie Domingo.

(Rey Pelayo | UNTV News)

Tags: ,