Hinimok ng Philippine National Police (PNP) ang may 106.6 milyon na Pinoy na kumuha ng national ID. Ito’y matapos na pirmahan ng Pangulo ang Philippine Identification System Act.
Ang national ID ay nagtatakda ng single at streamlined na identification system sa bansa.
Magbibigay din ito ng practical appplications pagdating sa census, taxation, election registration, banking, travel documentation, social security, social welfare at iba pang transaksyon sa gobyerno.
Sa pamamagitan aniya nito, matutuldukan na ang red tape at magbibigay ng karagdagang proteksyon sa mga Pilipino laban sa terorismo at iba pang security threats.
Ayon kay PNP chief PDG Oscar Albayalde, malaking bagay ang national ID system sa peace and order situation ng bansa.
Sa pahayag naman ni Philippine Army 6th Infantry Division Commander BGen. Cirilo Sobejana, malaking tulong ang security features ng national ID laban sa mga terorista na gumagamit ng pekeng ID na humahalo sa mga sibilyan sa Mindanao.
Nakalagay sa card ang buong pangalan ng card bearer, kasarian, blood type, petsa at lugar ng kapanganakan, marital status, address at picture.
( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )
Tags: national ID, peace and order, PNP