National id system bill, isinulong rin ni Sen. Trillanes

by Radyo La Verdad | July 6, 2016 (Wednesday) | 1346

TRILLANES
Inihain na ni Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV ang Senate Bill No. 95 na magtatatag ng national id system.

Sa ilalim ng Filipino Identification System Bill, pag-iisahin ang lahat ng id system ng gobyerno sa isang national id system.

Nakasaad sa panukala ang pagbibigay ng identification card na magsisilbing pagkakakilanlan ng lahat ng Pilipino, nakatira man sa loob o labas ng bansa.

Ito rin ang magiging opisyal na identification na magagamit sa mga transaksyon sa gobyerno.

Inaasahang ang panukalang ay makatutulong sa gobyerno na makapagbigay ng mas maayos na serbisyo.

At mas mapagtibay ang kampanya laban sa krimen at terorismo.

Sa pagkakaroon ng iisang database, magkakaroon tayo ng masmabilis na pagkukunan ng impormasyon ukol sa mga kriminal.

Higit pa rito, mababawasan din nito ang mga leakage sa pagbibigay ng social services, nangunguna na rito ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Tags: ,