National funeral para 291 na nasawi sa lindol, isinagawa sa Italy

by Radyo La Verdad | August 29, 2016 (Monday) | 7363
A man walks amidst rubble following an earthquake in Pescara del Tronto, central Italy, August 24, 2016. REUTERS/Remo Casilli
Photo Courtesy: REUTERS/Remo Casilli

Nagsagawa ng national funeral ang Italy para dalawandaan at syamnaput isang nasawi sa 6.2 magnitude na lindol na naganap sa bansa noong nakaraang Miyerkules.

Isinagawa ang national funeral sa sports hall ng bayan ng Ascoli Piceno na malapit sa sentro ng lindol.

Dinaluhan ito ni Italian President Sergio Mattarella At Italian Prime Minister Matteo Renzi.

Sa pinakahuling tala, umakyat na sa dalawandaan at syamnapu’t isa ang nasawi, mahigit tatlongdaan at tatlumpu ang sugatan at dalawang libong indibidwal ang nawalan ng tahanan sa naganap na lindol.

Samantala, ayon kay Labor Attache Panciano Ligutom ng embahada ng Pilipinas sa Italy, nasa maayos na sitwasyon ang dalawampu’t dalawang Pilipinong naapektuhan ng lindol bagaman nananatili pa rin sila sa evacuation center sa Norcia, Italy.

Hinihintay na lamang nila ang maayos na mapaglilipatan na ipagkakaloob sa kanila ng Italian government.

(UNTV RADIO)

Tags: ,