METRO MANILA – Magsasagawa ng National COVID-19 booster week ang Department of Health mula September 26 hanggang 29.
Ito ay upang mas mapaigting ang booster vaccination sa bansa.
Ito ay rekomendasyon din ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.
Alinsunod sa kanilang panukala na gawing opsyonal na lang ang pagsusuot ng face mask sa open spaces bago matapos ang taon, kapag tumaas ang booster coverage sa bansa.
As of September 9, nasa 18.5 million pa lang na mga Pilipino, ang nabakunahan ng booster shot.
Malayo pa sa 23.8 million o 50% na eligible population ng bansa na target mabigyan ng booster sa ilalim ng Pinaslakas campaign.
At malayong-malayo pa sa 72.7 million Filipinos na fully vaccinated kontra COVID-19.