National Capital Region, nangunguna sa may pinakamaraming nakamit na gintong medalya sa Palarong Pambansa sa Albay

by Radyo La Verdad | April 12, 2016 (Tuesday) | 1741

allan_palarong-pambansa
Nangunguna ngayon ang National Capital Region sa may pinakamaraming nakamit na gintong medalya sa isinasagawang Palarong Pambansa 2016 sa Albay.

Nasa ikatlong araw na nito ang palaro.

Batay sa partial results na inilabas alas-12:30 ng hapon ngayong araw, limang gold na ang natanggap sa elementary level ng naturang rehiyon samantalang tatlo ang silver medal nito.

Pinakamarami namang natanggap na medalya sa elementary level ay ang Region Four A o ang Calabarzon na nakakuha ng 5 gold, 4 silver at 3 bronze.

Sa secondary level naman, nakatanggap ng apat na gold at dalawa ang silver medal ang NCR nguni’t nangunguna pa rin ang Cordillera Administrative Region o CAR na may apat na ginto, anim na silver at isang bronze medal.

Pero sa kabuoan, ang National Capital Region ang may pinakamaraming nakamit na medalya sa isinasagawang palaro na may 8 gold medals at 5 silver.

Pumangalawa dito ang CAR, at sinundan ng region six o western visayas region na may 7 gintong meldyang ginto 3 silver at 4 na bronze

Ang resulta ito ay maaari pang mabago ngayong araw at sa mga darating dahil patuloy pa rin ang paglalaban-laban ng labing walong rehiyon sa buong Pilipinas

Samantala, ipinagmamalaki naman ngayon ng mga Bikolano ang unang nagdala ng medyang ginto sa region V

Nakilala ang atleta na si Daniela Camonoga ang Grade-6 student mula sa Guinobatan, Albay

Nakamit ni Daniella ang gold medal mula sa shot put event, elementary girls na may record na 9.48 meters

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makasama sya sa palarong pambansa

Si Daniella ay pang ika-13 sa 16 na magkakapatid.

(Allan Manansala / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,