Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaroon ng National Broadband Plan.
Ito ay matapos ang isinagawang presentasyon ni Information and Communications Technology Secretary Rodolfo Salalima sa 13th cabinet meeting sa Malakanyang.
Ang National Broadband Plan ng DICT ay bilang tugon sa marching orders ng pangulo sa pagsusulong ng libreng wifi access hanggang sa malalayong lugar sa bansa.
Gayundin ang pagpapabilis sa fiber optics cables deployment at wireless technologies para sa mas magandang internet connection.