Hindi gumana ang Automatic Train Protection System o ATP ng tren na nasa viral video ng isang commuter ng LRT line 1.
Ayon sa Light Rail Management Corporation o LRMC, natukoy na ang tren na nagkaproblema ay ang 1st generation train ng LRT na nagkaka edad na ng tatlumput tatlong taon.
Kumalat sa social media ang video ni Cubelo kagabi sa LRT Central Station kasabay ng rush hour na dagsa ang mga pasahero.
Ayon sa post ni Cubelo, napansin nila na tumatakbo na ang tren subalit hindi pa rin sumasara ang pinto, nagulat na lamang sila ng sabihin ng guard na humawak na lamang ng mabuti sa mga hand rails ng tren.
Humingi naman ng paumanhin ang LRMC sa mga commuters ng LRT line 1 at nanhakong paiimbestigahan ang dahilan ng hindi paggana ng ATP.
(Macky Libradilla / UNTV Radio Correspondent)