Tuloy-tuloy pa rin ang mas pinaigting na opensiba ng militar sa Sulu at Basilan laban sa bandidong Abu Sayyaf.
Ito ay matapos na i-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang all-out war laban sa grupo noong nakaraang linggo dahil sa pag-execute ng mga ito sa dies y otso anyos nitong bihag na si Patrick Jhames Almodavar.
Sa pinakahuling engkwentro ng mga militar at abu sayyaf sa patikul, sulu nitong nakaraang biyernes ay umabot na sa dalawampu’t isang bandido ang kumpirmadong nasawi.
Ayon sa AFP, kabilang sa mga ito ay ang tatlong lider ng grupo na sina Mohammad Said alyas Ama Maas, Hairullah Asbang at Sihata Latip.
Said ay sinasabing responsable sa pagdukot at pagpatay sa mga dayuhang bihag nito na sina John Ridsdel at Robert Hall.
Habang si Asbang naman ay kilala rin umano sa sari-saring gawain ng karahasan at extortion.
Wala namang nadagdag sa labimpitung sundalong nasugatan noong Biyernes.
Apat sa kanila ay dinala kahapon sa isang army hospital sa Zamboanga City.
Ang sampung pang iba ay muli namang bumalik sa operation dahil maliit na sugat lamang ang tinamo ng mga ito.
Samantala, bukod sa pagsugpo sa asg, sinisikap rin ng militar na makuha ang mga natitirang bihag ng grupo.
(Dante Amento / UNTV Correspondent)
Tags: all out war ng pamahalaan laban sa grupo, Nasawing ASG members, umakyat na sa 21