Nasawi sa mga landslide sa Itogon, Benguet, posibleng umakyat na sa 40 – Sec. Tolentino

by Radyo La Verdad | September 19, 2018 (Wednesday) | 2210

Marami pa rin sa mga kababayan natin ang patuloy na nakaabang at umaasang matatagpuan pang buhay ang kanilang mahal sa buhay apat na araw na simula nang mangyari ang malagim na landslide sa Barangay Ucab, Itogon Benguet.

Si Nanay Virginia, dalawang araw nang naghihintay sa command center sa resulta ng paghuhukay at kung natagpuan na ang kaniyang anak.

Bakas sa mukha ng mga kababayan natin dito ang pag-asa at pag-aalala para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Ayon kay Presidential Adviser on Political Affairs Secretary Francis Tolentino na siyang naatasan ng

Pangulo na pangunahan ang pagtugon ng pamahalaan sa kalamidad, patuloy ang pag-akyat ng bilang ng mga nasawi dahil sa landslide.

Sa Barangay Ucab, umakyat na sa labinlima ang nasawi batay sa official tally at mahigit 50 ang patuloy na pinaghahanap. Patuloy pa itong tataas dahil kahapon ay may anim na katawan ang nakita sa landslide area.

Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang pamahalaan na may matatagpuan pa ring buhay sa landslide area.

Ang mga natukoy na mga nakuhang katawan sa landslide ay ini uwi na ng kanilang mga kaanak.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Tags: , ,