Nasawi sa COVID-19 sa buong mundo, umabot na sa mahigit 1-M

by Erika Endraca | September 30, 2020 (Wednesday) | 2303

METRO MANILA – Umabot na sa mahigit 1M ang nasawi sa buong mundo dahil sa COVID-19 batay sa datos ng John Hopkins University.

Naniniwala ang mga eksperto na posibleng mas mataas pa sa ulat ang totoong bilang.

Tinawag ng United Nations na agonizing milestone ang bilang ng COVID-19 deaths.

“Our wolrd has reached an agonizing milestone: the loss of one million lives from the COVID-19 pandemic. It’s a mind-numbing figure. Yet we must never lose sight of each and every individual life. They were fathers and mothers, wives and husbands, brothers and sisters, friends and colleagues. The pain has been multiplied by the savageness of this disease.” ani UN Secretary-General Antonio Guterres.

Sa tweet ni WHO Director General Tedros Adhanom Gehbreyesus, sinabi nitong, madami pa ang nagdurusa dahil sa pandemya

Gayunpaman, may pag- asa pa rin aniyang nakikita upang malagpasan ng mga bansa ang kinakaharap na krisis.

Samantala, sinisikap din ng pamahalaan ng pilipinas na patuloy na mapababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Kahapon bumaba sa 2, 025 ang naitalang bagong kaso mula sa  mahigit 3,00 noong Lunes

Sa kabuoan, 309,303 na ang COVID-19 cases sa Pilipinas , 290 naman ang nadagdag na gumaling kaya ang COVID-19 survivors na sa Pilpinas ay nasa 252, 930 na.

Ang death toll pumalo na sa 5, 448 habang ang kasalukuyang active cases ay nasa 50, 925.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,