Nasawi sa Cordillera Region dahil sa pananalasa ng Bagyong Ompong, umakyat na sa 110

by Radyo La Verdad | September 26, 2018 (Wednesday) | 22442

Ngayong araw ay simula na nang pagtutok sa retrieval operation ng mga otoridad sa landslide area sa Barangay Ucab, Itogon, Benguet.

Ito na rin ang naging desisyon ni Presidential Adviser on Political Affairs Secretary Francis Tolentino matapos ang 11th day na search and rescue operation sa ground zero.

Sa huling tala ng Cordilera Risk Reduction and Management Council kaninang umaga, umabot na sa 110 ang nasawi sa buong rehiyon dahil sa pananalasa ng Bagyong Ompong.

Sa kasalukuyan ay 25 pa ang patuloy na nawawala.

Tags: , ,