Nasawi sa 8.3 magnitude na lindol sa Chile, umakyat na sa 8

by Radyo La Verdad | September 17, 2015 (Thursday) | 3017

CHILE-QUAKE-2

Umakyat na sa walo ang nasawi matapos ang magnitude 8.3 earthquake na yumanig sa Chile noong Miyerkules ng gabi.

Milyon na ang inilikas at maraming bahay at gusali ang nasira sa Chile dulot ng itinuturing na pinakamalakas na lindol sa bansa ngayong taon.

Sa lungsod ng Illapel, ang pinakamalapit sa sentro ng lindol ay nawalan ng suplay ng kuryente at tubig na maiinom.

February 2010 nang yanigin ng 8.8 magnitude na lindol ang central-southern Chile na ikinasawi ng mahigit limang daang tao

Pagkatapos ng mga pagyanig ay tsunami naman ang nanalasa sa mga coastal area ng Chile na nagdulot ng pagbaha.

Sa bayan ng Coquimbo naitala ang pinakamalalaking alon na may taas na 15 feet.

Tags: