MANILA, Philippines – Umabot na sa mahigit 400 ang naitalang patay dahil sa dengue simula Enero hanggang Hunyo ngayong taon batay sa ulat ng Department of Health (DOH).
Mahigit 100,000 na rin ang naitatalang dengue cases na halos doble na kumpara sa naitalang mga kaso sa kaparehong panahon noong nakaraang taon
Muli namang nagpaalala si Health Secretary Francisco Duque III sa publiko sa kahalagahan ng 4s strategy at ang proteksyon kontra dengue upang maagapan ang mga nagkakasakit at huwag nang humantong sa kamatayan.
“Mas maging mapagmatyag at ang surveillance unit ng atin pong local, iyon pong ating regional and local surveillance officers ay talagang bantayan itong ang lugar na pwedeng pagka nagkaroon ng hotspots o nagkaroon ng isa o dalawang kaso ay iyon kaagad puntahan ,tukuyin saan galing.” ani DOH Secretary Francisco Duque III.
(Aiko Miguel | Untv News)
Tags: dengue, DOH, Philippines