Nasawi dahil sa bagyong Ulysses, umabot na sa 67 – NDRRMC

by Erika Endraca | November 16, 2020 (Monday) | 11786

METRO MANILA – Umakyat na sa 67 indibidwal ang kumpirmadong nasawi sa bansa matapos ang pananalasa ng bagyong Ulysses.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 21 ang naitalang nasaktan, habang 13 ang nawawala pa sa Cagayan Valley, Calabarzon, Bicol region, at Cordillera Administrative Region.

Umabot naman sa mahigit 1 Milyong indibidwal ang naapektuhan ng bagyo sa mahigit 4,000 barangay.

Sa ngayon ay nananatili pa rin sa halos 3,000 evacuation centers ang mahigit 85,000 pamilyang naapektuhan ng bagyo.

Samantala, umabot naman sa halos P500-M piso ang halaga ng pinsala sa imprastraktura, na dulot ng bagyong Ulysses.

Tags: ,