Nasawi dahil sa 2019 Novel Coronavirus umabot na sa 81

by Erika Endraca | January 28, 2020 (Tuesday) | 1604

METRO MANILA – Sa loob lang ng 24 oras mahigit 20 agad ang naitalang nasawi dahil sa 2019 novel Coronavirus sa China. Mula 56 na bilang ng mga nasawi noong Linggo umakyat ito sa sa 81 kahapon (Jan. 27).

At halos 3,000 na ang kumpirmadong nagtataglay ng nakamamatay na sakit. Sa china pinalawig pa ng pamahalaan ang national new year holiday para hindi na kumalat pa ang Coronavirus.

Naniniwala sil Wuhan Mayor Zhou Xianwang na posibleng tumaas pa ang ng kaso ng Corovirus sa kanilang probinsya. Kaya naman nananatili umanong isasalilalim sa total lockwon ang Wuhan province.

“By so doing, it may cut off the channels for the epidemic transmission but may also be left being cursed in history. We may undertake any responsibility because of fixing the responsibility and the people’s complaints.” ani Wuhan Mayor Zhou Xianwang.

Sa Shanghai at Suzhou City hindi muna pinabubuksan ng pamahalaan ang lahat ng business establishment hanggang sa February 8. Maliban na lamang sa mga medical firms, medical suppliers at supermarket.

Nananatiling 13 ang mga bansang may kumpirmadong kaso ng Coronavirus kabilang na ang China, Australia, Japan, Malaysia, Singapore, South Korea, Taiwan, Thailand, Vietnam, United States of America, Nepal, France at Canada. At sa ngayon sa India may 6 na indibidwal ang pinaghihinalaang may Coronavirus.

(Grace Casin | UNTV News)

Tags: