Ikinagulat ng ilang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Puerto Princesa City ang pagkakadiskubre sa mahigit isandaang piraso ng illegally cut na kahoy o tinatawag na hot logs sa isang resort sa Sitio Sto. Niño brgy. New Pangangan.
Nagsasagawa umano ng inspeksyon ang mga ito sa building permit at PMRB clearance ng resort ng tumambad sa kanila ang mga kahoy. Karamihan sa mga ito ay mula sa mga puno ng ipil at kamagong na ipinagbabawal putulin kung walang pahintulot ng Department of Environment and Natural Resources o DENR.
Tinatayang nagkakahalaga ang mga kahoy ng mahigit anim na milyong piso na umabot sa 11,700 board feet. Hinala pa ng mga otoridad, ilang taon nang iniipon ang mga naturang kahoy at saka ito ibebenta.
Iniimbestigahan na ng DENR ang may-ari ng resort kung saan nadiskubre ang na kinilalang si Elvira Beccket.
Posible anila itong maharap kasong paglabag sa Forestry Reform Code of the Philippines.
Sa ngayon ay naantala ang kanilang ginagawang paghahakot sa mga kahoy na nadiskubre sa resort dahil sa sama ng panahon.
( Andy Pagayona / UNTV Correspondent )
Tags: iligal na kahoy, LGU officials, Palawan