Naaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang dalawang lalaking hinihinalang nagbebenta ng marijuana sa isang bahay sa Caniogan Pasig City bandang alas nuebe kagabi.
Nahuli sa isinagawang buy bust operation sina Carlitos Johanne Arpilleda at Jayson Peralta.
Nasabat ang halos kalahating kilo ng high grade na marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng isang milyong piso at inangkat pa umano sa California, USA.
Inoorder umano ang mga kontrabando sa pamamagitan ng isang internet website at idinideliver ng isang international courier papasok sa bansa.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang magsasagawa ang mga otoridad ng malalim na imbestigasyon para malaman kung papaano nakalusot sa bansa ang mga kontrabando.
Tags: imported marijuana, MPD, Pasig city