Nasa apat na milyong kotse sa Australia, ipinare-recall dahil sa depektibong airbags

by Radyo La Verdad | March 5, 2018 (Monday) | 15149

Ipinag-utos na ng pamahalaan ng Australia sa mga car manufacturer at dealers ang pagsasauli ng mga sasakyang natuklasang mayroong defective na airbags.

Ayon sa pamahalaan, aabot sa apat na milyong mga kotse na may iba’t-ibang brand kabilang na ang Subaru, Ford, Toyota, Mitsubishi, Nissan at BMW sa na-installan ng Takata air bags.

Naging sanhi na umano ng ilang road accidents sa iba’t-ibang lugar ang exploding airbags kabilang na sa Australia kung saan isa ang naitalang nasawi.

Base sa international reports, umabot sa 23 deaths at mahigit sa 230 injuries sa buong mundo na dahilan nga nitong Takata airbags na naging sanhi ng shrapnel spray kung magkakaroon ng car crash.

Ang faulty airbags na may explosive contents ay mas mabilis mag deteriorate and maging unstable sa mga lugar na may humid climates.

At dahil dito, prayoridad sa pagpapalit ng mga airbag ang mas lumang sasakyan, lugar kung saan ito ginagamit at kung saan banda sa mismong sasakyan naka-install ang airbag.

Ayon sa datos ng Australian Competition And Consumer Commission o ACCC, 1.7 million cars na sa kabuuan ng Australia ang napalitan na ng airbags.

1.3 million ang kasalukuyang naghihintay ng schedule at may 800,000 hanggang isang milyong European cars ang madadagdag sa listahan sa mga darating pang mga araw.

Ito ang kauna-unahang massive recall sa kasaysayang ng Australian automotive industry.

Hindi pa naman malinaw kung sino ang mananagot kapag mayroong mga sasakyang hindi napalitan ng airbags.

 

 

Tags: , ,