Nasa 600 pasahero sa Real, Quezon patungong Polilio Island, stranded

by Radyo La Verdad | December 28, 2017 (Thursday) | 3807

Nasa anim na raang mga pasahero na ang nanatili pa rin sa Real, Quezon simula pa noong isang linggo. Pawang biyaheng Polilio Island at Burdeos ang mga pasahero.

Ayon sa Philippine Coast Guard, naghihigpit na sila ngayon matapos ang nangyaring paglubog ng passenger vessel na Mercraft 3 na ikinasawi ng limang pasahero nito noong nakaraang Huwebes ng umaga.

Bukod dito, mayroon pa rin umanong nakataas na gail warning sa lugar kaya wala pa silang pinapahintulutang makapaglayag mula sa pantalan. Dumadaing na ang marami sa mga pasahero dahil gustong-gusto na nilang makauwi.

Karamihan sa mga stranded na pasahero ay mga nakaligtas sa nangyaring insidente ng paglubog ng bangka. Sinabi naman ng Coast Guard na nagbibigay sila ng ayuda sa pagkain ng mga na-istranded na pasahero.

Tiniyak din ng PCG na papahintulutan nilang makapaglayag ang mga bangka sakaling alisin na ang gail warning sa lugar.

 

( Japhet Cablaida / UNTV Correspondent )

Tags: , ,