Nasa 58,000 security personnel, itatalaga ng DILG para sa ASEAN Summit

by Radyo La Verdad | October 24, 2017 (Tuesday) | 2457

Patuloy ang paghahandang isinasagawa ng Department of Interior and Local Government para sa gaganaping ASEAN Summit sa November 13-15.

Aabot sa 58,000 security personnels ang itatalaga ng DILG galing sa 21 ahensiyang nasasakupan nito.

Ang ASEAN Summit ang isa sa tinaguriang pinakamalaking event na gaganapin ngayon sa bansa.

Muli namang nilinaw ng DILG na hindi magkakaroon ng total lockdown sa Edsa para sa dadaanan ng convoy ng mga delegado.

Magkakaroon lang ng isang lane na nakatalaga para sa ceremonial route ng Clark to Manila.

Ang Clark Airport ang gagamiting entrance at exit ng mga delegado sa ASEAN Summit upang maiwasan ang aberya sa mga biyahe ng eroplano sa NAIA.

Nasa dalawampung leader ng bansa ang inaasahang dadalo sa ASEAN Summit kabilang na si U.S. President Donald Trump.

 

( Rajel Adora / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,