Nasa 400,000 na mga manok na positibo sa avian influeza virus sa San Luis Pampanga, sinimulan ng patayin ng DA at DOH

by Radyo La Verdad | August 14, 2017 (Monday) | 2465

Sa Brgy. San Carlos at Brgy. Sta. Rita sa San Luis Pampanga sinimulan ng Department of Health at Agriculture ang culling o pagpatay sa mga poultry animals na infected ng avian influenza virus o bird flu noong Sabado.

Suot ang kanilang mga protective gear, nagtungo ang mga tauhan ng kagawaran sa affected areas, ngunit hindi na pinahintulutang sumama pa ang media sa lugar.

Sa tala ng DA, nasa 200 hanggang 400 libong mga poultry animals ang kailangang mapatay sa sampung farm sa bayan. Kabilang na dito ang mga manok, bibe, ibon at iba pa.

Ang mga infected poultry animals ay ilalagay sa container vans na pupunuin ng  carbon dioxide, pagnamatay na ang mga ito ay saka ibabaon sa lupa. Tinatayang aabot sa tatlo hanggang apat na araw ang gagawing culling.

Samantla bawat isang poultry animal na papatayin ay babayaran ng DA ng 80 pesos sa may-ari. Tinatayang tatagal pa ng tatlo hanggang apat na buwan bago maging ligtas sa avian virus ng lugar.

 

(Leslie Huidem / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,