METRO MANILA – Pinangangambahang aabot sa 400 na Pilipino ang naapektuhan ng malakas na lindol sa Morocco kamakailan .
Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Officer-In-Charge Hans Leo Cacdac, ang mga ito ay ang nasa central part, at Marrakesh area nang mangyari ang pagyanig.
Nilinaw naman ni Cacdac na wala pa silang natatanggap na opisyal na ulat sa mga Pinoy na aktuwal na naapektuhan ng insidente.
Gayunman, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagbabantay sa kalagayan ng ating mga kababayan sa Morocco.
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com