Nasa 300 pulis mula Metro Manila, idedeploy na sa Basilan bukas

by Radyo La Verdad | February 20, 2017 (Monday) | 1007


Alas tres ng madaling araw bukas nakatakdang umalis ang halos tatlong daang pulis na idedeploy sa Mindanao.

Ito ang mga pulis na nahaharap sa iba’t- ibang kaso na kinausap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang.

Sakay ng C-130 mula Villamor airbase ay ibababa ang mga ito sa Zamboanga at sasakay naman ng ferry boat papuntang Basilan.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Eduardo Año, maliban sa Basilan idi-destino rin ang mga ito sa mga matataong lugar gaya ng town at urban areas maging sa mga check points.

Aminado naman si PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na sa pag-alis ng mga pulis na ito ay malaki ang mababawas sa kanilang mga tauhan sa Metro Manila.

Kaya naman inatasan na niya ang bawat station commander na mag-multi tasking upang walang mapabayaang trabaho.

Ang deployment sa naturang mga pulis sa Basilan ay tatagal ng dalawang taon.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: ,