Nasa 300 inmates sa Losbaños Municipal Jail, natulungan sa medical mission ng UNTV at MCGI

by Radyo La Verdad | November 21, 2018 (Wednesday) | 6359

Matapos ang isinagawang libreng medical at dental mission ng Members Church of God International (MCGI) sa Sta. Rosa City Jail sa Laguna at ng Kamanggagawa Foundation noong unang linggo nitong buwan, sunod na pinuntahan ng grupo ang Los Baños Municipal Jail upang muling maghatid ng serbisyo publiko.

Kabilang sa mga persons deprived of liberty (PDL) na napagserbisyuhan ng grupo ay sina alyas Niko at Lando na diabetic at may altapresyon.

Bukod sa mga inmate, napaglingkuran din sa medical mission ng UNTV at MCGI ang kanilang asawa at mga anak.

Ayon kay Jail Inspector Christopher Penilla, ang warden ng Losbaños Municipal Jail, hindi nila inaasahang ganito kalaki ang ipagkakaloob sa kanilang serbisyo ng grupo.

Umabot sa halos tatlong daang PDL, mga mahal nila sa buhay at miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang natulungan sa isinagawang medical mission.

 

( Sherwin Culubong / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,