Pinatay sa bansang togo sa West Africa ang mahigit labing-isang libong mga manok noong sabado dahil sa outbreak ng H5N1 bird flu virus sa dalawang farm sa kapitolyo ng bansa.
Ayon sa agriculture minister ng Togo na si Ouro-Koura Agadazi, nakumpirmang H5N1 bird flu virus ang kumalat sa bansa ayon sa pagsusuring isinagawa sa mga apektadong hayop.
Dahil sa nangyaring outbreak ng H5N1 sa West Africa, pinangangambang maihawa sa maraming tao ang naturang virus dahil sa mahinang health infrastructure sa rehiyon at ilang naitalang kaso ng human deaths sanhi ng bird flu simula pa noong 1997.
(UNTV RADIO)
Tags: H5N1 outbreak