Nasa 100M halaga ng agri equipment sa Dept. of Agriculture compound sa South Cotabato, kinakalawang na

by Radyo La Verdad | July 19, 2016 (Tuesday) | 1024

REY_AGRI-EQUIPMENT
Hindi nagagamit at kinakalawang na ang nasa 100 milyong halaga ng mga modernong agriculture aquipment sa compound ng Department of Agriculture sa Tupi, South Cotabato.

Natuklasan ito nang bumisita sa lugar si Agriculture Secretary Many Piñol nito lamang Lunes.

Ang ilan sa kagamitan tulad ng rice and corn harvester at mga tractor ay tinatayang nagkakahalaga ng milyon-milyong piso.

Ayon kay Piñol, hindi naipamahagi ang mga kagamitan sa pagsasaka dahil kailangan munang makapagbigay ng 15% ng halaga nito ang mga benepisyaryo bago mai-award sa kanila.

Sa nakaraang administrasyon ay 85% ng halaga ng mga equipment ang sagot ng gobyerno.

Nagbigay na ng direktiba ang kalihim upang i-audit ang pondo para sa proyekto.

Pinapakumpuni narin ni Piñol ang maari pang magamit bago ito ibigay sa mga magsasaka.

Ang dating regional direktor sa lugar ay agad na inalis sa pwesto ni Piñol nang umupo siya bilang kalihim ng agrikultura.

Pina-iimbestigahan na ang insidente at inaalam na rin ang kasong maaring isampa laban sa mga opisyal na may liabilidad sa pagbili at bigong pamamahagi ng mga equipment.

Ayon kay Piñol, nakadagdag sana sa produksyon ng pagkain kung naipamahagi ang mga kagamitan sa pagsasaka.

(Rey Pelayo / UNTV Correspondent)

Tags: , ,