Nasa 10,000 pulis, ipapakalat para magbantay sa seguridad ngayong Undas

by Radyo La Verdad | October 26, 2016 (Wednesday) | 1339

bryan_pnp-facde
Bumuo ng joint task force ang National Capital Region katuwang ang Armed Forces of the Philippines para sa long holiday.

Bukod pa ito sa mga pulis na ipapakalat upang magbantay ng seguridad sa mga pupunta sa sementeryo.

Kaugnay nito’y magpapatupad ng mahigpit na seguridad ang mga otoridad lalo na sa mga pantalan at paliparan.

Nagpaalaala rin ang NCRPO sa publiko na sumunod sa mga ipinatutupad na ordinansa at huwag magdala ng mga bagay na ipinagbabawal sa loob ng sementeryo at mga terminal.

Pinapayuhan rin ang publiko na alamin ang mga lugar sa mga sementeryo na pupuwestuhan ng medical at emergency response teams.

Bantayang maigi ang mga dadalhing gamit at kasamang mga bata.

Tiyakin ding naka-secure ang mga iiwang bahay o kaya ay ibilin sa pinagkakatiwalaang kapitbahay.

Seguruhin ding nakatanggal sa saksakan ang mga appliance o electrical equipment at alamin ang mga kaukulang hotlines na maaring tawagan kapag may emergency.

Ayon sa NCRPO wala silang natatanggap na banta mula sa bandidong grupong Abu Sayyaf dito sa metro manila pero di ibig sabihin nito na hindi sila nakaalerto.

Ipinauubaya na ng NCRPO sa ground commanders ang paglalagay ng checkpoints.

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,