Umabot sa 1.3 milyong botante ang na-delist ng Comelec
Walong daang libo dito ay deactivated dahil dalawang beses na hindi bomoto.
Ang apat na raang libo naman ay patay na o kaya naman ay double entry sa database ng Comelec kaya’t inalis na sa listahan.
Tumaas naman ng 74% ang bilang ng mga bagong botante nitong Hulyo kumpara noong Abril.
mula samahigit animnaraang libo noong abril, umakyat itosa mahigit isang milyon ang new registered voters nitong Hulyo
Tumaas din ang bilang ng overseas voters kumpara noong 2013.
Sa record ng poll body nasa 1.1 million na ang mga rehistradong botante na nasa labas ng bansa.
Sa ngayon nakapagtala na ang Comelec ng mahigit limampu’t dalawang milyong rehistradong botante.
Inaasahan ng komisyon na aabot ito sa 54 na milyon sa darating na may 2016 presidential elections.
Samantala kahit dating nakarehistro posibleng hindi makaboto sa darating na halalan ang may 3.9 million voters dahil kulang o hindi nakatala sa Comelec ang kanilang biometrics data.
Tatagal hanggang October 31 ngayong taon ang registration at validation ng mga botante sa Comelec.
Aabot naman sa 18,069 na opisyal ang ihahalal sa darating na eleksyon.
Kabilang dito ang Pangulo, Pangalawang Pangulo, 12 Senador, 58 Partylist Representatives, 235 District Representatives, 81 Gobernador, 144 na City Mayors at 1,490 Municipal Mayors.
Sa calendar of activities ng Comelec, sa September 12 to 30, 2015 maaring magdaos ng political convention ang mga partido upang piliin ang kanilang opisyal na mga kandidato sa ibat ibang posisyon.
Inilabas na rin ng Comelec ang guidelines para dito, October 12 to 16, 2015 naman ang filing ng Certificates of Candidacies.
January 10 hanggang June 8, 2016 ang election period kung saan bawal na ang paglilipat ng mga opisyal o promotion ng empleyado pagdadala ng armas at pagkakaroon ng bodyguard ng isang kandidato maliban na lamang kung may pahintulot ang Comelec.
Feb. 9 hanggang May 7 ang campaign period para sa National Candidates habang March 25 hanggang May 7 naman ang mga local candidates.
April 27,28 at 29 ang local absentee voting at may 9 ang araw ng halalan sa bansa. (Victor Cosare / UNTV News)
Tags: COMELEC