Nasa 1, 000 residente nawalan ng tahanan dahil sa sunog na sa Mandaluyong City

by Radyo La Verdad | November 26, 2015 (Thursday) | 1501

SUNOG
Pansamantalang nanatili ngayon sa tatlong evacuation center sa Mandaluyong City ang nasa isang libong pamilya na nawalan ng tahanan dahil sa nangyaring sunog sa Brgy. Addition Hills Mandaluyong City kagabi

Nagsisiksikan ang mga apektadong pamilya sa Jose Fabella Memorial School, Andres Bonifacio Integrated School at Hardin ng Pagasa Rehabilitation Center para may matuluyan lamang.

Nakahanda naman din ang mga relief goods, tubig, banig na ipamimigay ng lokal na pamahalaan sa mga residente.

Ayon sa Bureau of Fire Protection Mandaluyong City, nagsimula ang sunog bandang ala-dos kinse ng hapon kahapon sa residential area ng Barangay Addition Hills.

Mabilis na kumalat ang apoy kung saan gawa sa light materials ang mga bahay.

Nahirapan din makapasok ang mga bumbero dahil makipot ang daanan papasok sa nasunugan at sa kulang din ang water hydrant sa lugar.

Umabot sa general alarm ang sunog at idineklarang fire out ng alas dies onse kagabi.

Walong daang bahay ang natupok ng apoy at tinatayang aabot sa halos pitong milyong piso ang halaga ng mga ari-ariang napinsala.

Apat naman ang naitalang nasugatan sa insidente.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad nagsimula ang sunog sa bahay sa Block 32 ng barangay at posibleng faulty wirings ang pinagmulan ng apoy. (Reynante Ponte/UNTV Radio)

Tags: , , ,