METRO MANILA – Hindi makalulusot sa gagawing mahigpit na pagbabantay ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga pulitiko na sangkot sa kalakalan ng ilegal na droga.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief PBGen. Red Maranan, magsasagawa sila ng imbestigasyon sa mga tinatawag na narco-politician na magtatangkang tumakbo ngayong Barangay at Sanguniang Kabataan Election (BSKE).
Kasama sa nais mapigilan ng PNP ay ang magamit ang drug money ng mga sindikato para makapamili ng boto.
Dagdag ng heneral, hindi dapat na makalusot ngayong halalan ang mga tiwaling pulitiko na involve sa drugs.
Susuporta din ang PNP sakaling mayroong manawagan para isailalim sa voluntary drug test ang mga kandidato na tatakbo sa BSKE.
Tags: BSKE, Narco-politicians, PNP