Napaulat na job scam na isinasabay sa mga job fair, iniimbestigahan na ng DOLE

by Radyo La Verdad | May 19, 2016 (Thursday) | 1316

AIKO_DOLE
Nagbabala ang Department of Labor and Employment na mag-ingat sa mga illegal recruiter na nag-aalok ng trabaho sa mga job fair sa bansa.

Iniimbestigahannarin ng DOLE ang balita mula sa Davao na may illegal recruiter sa mismong pinagdarausan ng job fair.

Namamahagi umano ang mga illegal recruiter sa mga aplikante ng dokumento na kunwari ay galing sa mga kumpanya o job fair. organizer.

Hinihingi din umaano ng mga illegal recruiter ang phone number at e-mail address ng mga job applicant.

Kapag nakuha na ang e-mail address at phone number ay tatawagan ang mga aplikante at hihingan ng isang libo hanggang isang libo at limangdaang piso bilang deposito.

Ayon kay DOLE Usec. Lagunzad makatitiyak ang isang aplikante kung legitimate o legal ang kumpanyang kalahok sa job fair kung ito ay may job order mula sa DOLE.

Payo rin ng DOLE na agad makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan sakaling may pagdududa sa isang recruitment agencies.

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

Tags: , ,