Napatid na wire sa isang power plant, dahilan ng blackout sa Mindanao

by dennis | April 7, 2015 (Tuesday) | 1739

IMAGE_UNTV-NEWS_09032014_DOE-SEC-JERICHO-PETILLA

Inumpisahan nang imbestigahan ng Department of Energy ang nangyaring pitong oras na total blackout sa Mindanao Linggo ng madaling araw.

Sa inisyal na pagsisiyasat, natukoy ng DOE na isang wire ang napatid sa Agus 7 hydropower plant sa Lanao del Norte subalit nagtataka ang kagawaran kung bakit kumalat sa buong Mindanao ang blackout.

Tiniyak naman ng DOE na hindi sabotahe ang nangyaring insidente.

Kabilang sa ginagawa ngayon ay ang pagtukoy sa mga lugar na maaaring maapektuhan sakaling maulit ang pangyayari
Nilinaw ng DOE na kung mayroon lamang sapat na suplay ng kuryente ang Mindanao ay malilimitahan sana ang mga naapektuhang lugar.

Malaki rin ang naging epekto ng lokasyon ng mga planta sa Mindanao na karamihan ay nasa north at kakaunti lamang ang nasa southern Mindanao.

Ayon sa DOE, hindi naman kulang ang reserbang kuryente ng Mindanao noong mangyari ang blackout subalit lubha itong manipis.

Sinabi naman ni Energy Sec. Jericho Petilla na hindi niya matitiyak na hindi na mauulit ang naturang insidente dahil napaka unpredictable ng problema na may kinalaman sa aspektong technical.

Hanggat manipis ang suplay ng kuryente sa Mindanao, maaaring maulit ang malawakang blackout at mareresolba lamang ito kung makakapagtayo ng mga bagong planta na makakadagdag sa suplay ng kuryente.(Mon Jocson/UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,