Labag sa konstitusyon ang article 11 section1 o ang public order and safety provision ng Bangsamoro Basic Law.Ito ang ipinahayag ni Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez, chairman ng House Ad Hoc Committee sa isinagawang committee hearing sa B-B-L ngayong araw.
Ayon kay Rodriguez, batay sa 1987 constitution, ang may pangunahing control sa public order at safety ng bansa ay ang Estado sa pamamagitan ng Philippine National police.
Nakapaloob sa naturang probisyon ng BBL na ang may pangunahing control at responsibilidad sa kaayusan at kapayapaan sa Bangsamoro ay ang Chief Minister Bangsamoro government.
Iginiit ni Rodriguez na isa ito sa dapat amyendahan sa B-B-L.Dumating din sa pagdinig ang D-I-L-G, P-N-P at NAPOLCOM upang kunin ang
kanilang pananaw sa ilang probisyon ng panukalang B-B-L.
Matatandaang ipinahayag ni Rep.Rufus Rodriguez na tungkulin nilang pag-aralan at amyendahan ang mga probisyon sa BBl na lalabag sa Saligang Batas ng bansa.
Sa Lunes nakatakdang tatapusin ang pagdinig ng Ad Hoc Committee sa Proposed B-B-L.(Aiko Miguel/UNTV Radio Correspondent)