Dalawang linggo nang inaalagaan ng pamilya Caspe ang isang Philippine eagle owl na natagpuan ng kanilang anak sa isang bukid habang papauwi ito sa kanilang bahay sa brgy. Mamatid Cabuyao, Laguna.
Sinubukan nila itong alagaan ngunit nabahala sila dahil sa pagiging matamlay ng kwago. Nakipag-ugnayan sa UNTV ang pamilya upang matulungan silang ma-iturn over sa kinauukulang ahensya ang kwago.
Sa Laguna Wildlife and Rescue Center sa brgy. Pansol karaniwang dinadala ang iba’t-ibang uri ng hayop na nahuhuli ng ating mga kababayan para maalagaan at maproteksyunan.
Sakaling lumakas na ang Philippine eagle owl, dadalhin ito sa bundok ng Palawan upang pakawalan.
( Sherwin Culubong / UNTV Correspondent )