Nanalong bagong indigenous people mandatory representante sa Davao City Council, hindi pinayagang maupo sa pwesto

by Radyo La Verdad | June 7, 2018 (Thursday) | 3221

Tinututulan ng National Commision on Indigenous People Region 11 na maupo sa pwesto ang nanalong indigenous people mandatory representante ng Davao City.

Ayon sa NCIP, maliban sa kakulangan ng genealogical qualification, kulang din si Bai Cherry Ann Codilla ng 5 taon na serbisyo bilang aktibong myembro ng Tribu Bagobo-Klata.

Nanindigan naman si Codilla na pumasa siya sa local guidelines na ipinasa ng tribu sa NCIP na may 25% siya ng Tribu Bagobo-Klata at naging aktibu siya sa serbisyo ng mahigit 5 taon.

Samantala, pinabulaanan ng Armed Forces of the Philippines ang umano’y pagpapasara nila sa limangpu’t anim na lumad schools sa Talaingod, Davao del Norte noong Lunes.

Ayon sa Bureau of Public Affairs Office ng 10th Infantry Division ng Philippine Army, sa katunayan ay katuwang pa sila ng mga paaralan sa pagasagawa ng Brigada Eskwela.

 

( Dianne Ventura / UNTV Correspondent )

Tags: , ,