Namimili ng paputok sa Bocaue, Bulacan, mas kakaunti kumpara noong nakaraang taon

by Radyo La Verdad | December 28, 2015 (Monday) | 2486

NESTOR_PAPUTOK
Kagabi lang naramdaman ng mga nagtitinda ng paputok sa Bocaue, Bulacan ang pagdasa ng maraming mamimili na mula pa sa ibat ibang probinsya.

Kumpara noong nakaraang taon na a bente tres palang ng Disyembre ay ramdam na nila ang dami ng mamili, ngayon taon kapansin pansin ang pagtumal ng kanilang mga benta.

Isa sa nakikita nilang sanhi nito ay ang epekto ng pananalasa ng bagyong Nona sa bansa kung saan di lamang ang Bulacan binaha, kundi naminsala din ng nasa limang bilyong pisong halaga ng mga pananim at ari-arian.

Ngunit di pa rin nawawalan ng pag asa ang mga nagtitinda ng paputok at sinabing simula ngayong araw ay inaasahan nila ang pagdagsa ng mas maraming mga mamimili, kumng pagbabatayan ay ang pagdami ng mga dumarating sa lugar simula kagabi.

Umaasa silang hindi sila malulugi at mababawi ang kanilang inilabas na puhunan.

Sa ngayon ay wala pa ring pagbabago sa presyo ng mga paputok ngunit inaasahang bababa ito isang araw bago ang pagpapalit ng taon.

Ang isang bundle ng kwitis na ay umaabot ng hanggang 250-300 pesos.

Ang sawa ay nasa 150 hanggang 2000 pesos, fountain 300-1000, ang sparkles ay 20 pesos at ang aerial fireworks na maliit ay 500 pesos samantalang ang magandand klase o magarbo ay umaabot ng 10,000.

Samatala, mahigpit pa rin ang ipinatutupad na seguridad ng PNP at Bureau of Fire Protection dito sa lugar upang matiyak na walang mangyayaring anomang aksidente at hindi sasamantalahin ng mga masasamang loob ang pagdami ng mga tao upang magsamantala.

May mga provincial disaster rescue rin na naka standby dito kabilang na ang UNTV News and Rescue Team upang umalalay sa ating mga kababayan kung sakaling magkakaroon ng mga aksidente.

(Nestor Torres / UNTV Correspondent)

Tags: , , , , ,