Iniulat ng AFP Procurement Service kay AFP Chief of Staff General Hernando Iriberri na nakatipid ito ng higit sa 765 million pesos mula sa mga purchases nito simula January hanggang November ngayong taon.
Doble ito sa natipid ng ahensya noong nakalipas na taon.
At ayon sa tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines na si Col. Restituto Padilla Jr., maaaring gamitin ulit ng AFP ang natipid na pondo.
Higit sa 31 libong purchase orders at kontrata ang prinoseso ng AFP Procurement Service at AFP bids and awards committee ngayong 2015 at may nakalaan itong pondong nagkakahalaga ng higit sa 9.8 billion pesos.
Pinakamalaki ang natipid ng Philippine Air Force Procurement Service at sumunod ang Philippine Army.
Ayon sa AFP, malaki ang natipid ng pamahalaan ngayong taon dahil sa alternatibong paraan ng procurement.
(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)
Tags: AFP Procurement Service, magamit, P765 milyong halagang natipid, pagbili, pangmilitar