Nagpakita ng panghihinayang si Pangulong Rodrigo Duterte sa nakatakda sanang unang pagkikita nila ni US President Barack Obama.
Kinansela na kasi na ng White House ang pagpupulong ng dalawang lider bilang sideline ng ASEAN Summit sa Laos ngayong araw.
May kinalaman ito sa naging kontrobersyal na pahayag ng pangulo bago ito umalis ng bansa kahapon.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, hindi inaasahan ng pangulo na gagawing personal ng media ang kanyang mga nabanggit na salita.
Sa kabila nito umaasa parin ang pangulo na hindi maapektuhan ng isyu ang relasyon ng dalawang bansa.
Magtutuloy tuloy parin umano ang pangunahing intensyon ng pamahalaan sa kanilang pagdalo sa 28th ASEAN Summit.
Una rito ay inatasan na ni Obama ang kanyang staff na kausapin na ang kanilang Philippine counterparts.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ililipat na lamang ng schedule ang meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at US President Barack Obama.
Ngunit hindi na nagbigay ng impormasyon ang Malacañang kung kailan at saan ito mangyayari.
(Rheena Villamor / UNTV Correspondent)
Tags: Nakanselang meeting kay U.S. Pres. Barrack Obama, pinanghinayangan ni Pang. Duterte
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com