Nakalalasong lipstick, itinitinda ng mura sa pamilihan – environmental group

by Radyo La Verdad | August 6, 2018 (Monday) | 12604

Nag-inspeksyon ang Ecowaste Coalition ng ilang produkto sa 168 Mall sa Divisoria. Dito nadiskubre ng grupo na mayroong mga iligal na ibinebentang mumurahing lipstick sa lugar. Delikado umano ang mga ito dahil sa taglay na mga nakalalasong kemikal tulad ng arsenic, cadium, lead at mercury.

Ayon sa toxicologist na si Doktor Erle Castillo ng Medical Center sa Manila, posibleng magkaroon ng neurodevelopmental deficits, hormonal disruption, reproductive disorders at cancer and mga gumagamit nito. Nakakaapekto rin anila ito sa mga sanggol na nasa sinapupunan pa lamang ng mga kababaihan.

Babala ng Ecowaste sa mga mamimili huwag tangkilikin ang mga ganitong produkto. Kadalasan umanong ibinebenta ang mga nakalalasong lipstick ng fourteen hanggang fifty pesos.

Nais din ng grupo na higpitan ng pamahalaan ang monitoring sa mga ganitong uri ng produkto at papanagutin ang mga nagpapasok at nagbebenta nito sa bansa.

Paalala naman ng mga eksperto sa mga nakagamit na ng ganitong uri ng produkto na komunsulta sa doktor.

 

( Charlie Barredo / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,